SAFETY CULTURE PARA SA MGA KABATAAN SA MANAOAG, ISINUSULONG

Mas pinaiigting pa ang pangangalaga sa kapakanan, kaligtasan, at karapatan ng mga bata sa Manaoag na binigyang-diin muli sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Iginiit sa isinagawang programa ang mas umuusbong na panganib ng online abuse dahil sa mas malawak na digital access ng mga kabataan, at ang mahalagang papel ng magulang at komunidad sa paggabay sa kabataan.

Ito ang inatas na tungkulin sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) at MSWDO, upang itaguyod ang mga programa at proyekto katuwang ang mga magulang sa pagpapalaganap ng ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan.

Sa ilalim naman ng Project Hard Hat, layunin na palakasin ang safety culture sa Manaoag.

Pinagtibay ng aktibidad ang panawagan ng lokal na pamahalaan na ang pang-aabuso sa mga bata ay dapat laban ng buong komunidad, para sa tunay na ligtas at malayang kinabukasan ng mga kabataan.

Facebook Comments