Safety data ng AstraZeneca vaccines, nire-review ng WHO

Patuloy na binubusisi ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) ang safet data ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ito ay kasunod ng mga ulat na nagdudulot ng blood clot ang bakuna sa ilang naturukan nito sa Germany, France at Italy.

Ang WHO Global Advisory Committee on Vaccine Safety ay nagsasagawa na ng assessment sa bagong safety data ng AstraZeneca.


Kapag nakumpleto na nila ang review, agad na ilalabas ng WHO ang kanilang findings.

Gayumpaman, inirerekomenda pa rin ng WHO na maipagpatuloy ang paggamit ng nasabing brand ng bakuna.

Samantala, inirekomenda naman ng WHO ang bakuna ng Johnson & Johnson na gamitin sa mga bansang laganap ang variants ng COVID-19.

Maglalabas sila ng approval seal sa single-shot ng J&J vaccine bukas.

Facebook Comments