SAFETY FIRST | DOE naglabas ng energy safety tips

Hiniling ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kooperasyon ng bawat isa, habang patuloy ang ginagawang pagkukumpuni ng mga ahensya ng gobyerno upang maibalik ang serbisyo ng mga napinsalang energy facilities sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Ompong.

Umapela din ang kalihim sa publiko na sundin ang energy safety precautions upang maprotektahan laban sa life-threatening hazards o panganib na nagbabanta sa buhay.

Naglabas ng ilan energy safety tips ang DOE upang panatilihing ligtas ang mga pamilya pagkatapos ng bagyo, ito ay ang mga sumusunod:


Gawin ang kinakailangan pag-iingat sa paglusong sa baha, ang baha ay maaaring electrically charge ng bumagsak na linya ng kuryente.

Ipa-check sa electrician ang electrical system at appliances sa bahay.

I-report ang sirang utility line tulad ng electricity, water, gas, telephone, etc.

Umuwi ng ligtas, iwasan ang mga bumagsak na linya ng kuryente at punong kahoy.

Sinabi ng kalihim, ang kaligtasan at seguridad ng lahat ay ang pangunahing concern. Palagi nating alalahanin o isa isip ang lahat ng preventive measures upang panatilihing ligtas ang ating sarili at ang ating mga pamilya.

Facebook Comments