SAFETY FIRST | Eiffel Tower sa Paris, lalagyan ng perimeter fence

Paris, France – Upang maprotektahan sa anumang banta ng terorismo, lalagyan na ng perimeter fence ang sikat na Eiffel Tower sa Paris.

Sinabi ng tagapamahala ng tower na si Bernard Gaudillère, bahagi rin ito ng kanilang paghahanda sa 2024 Olympic Games.

Ang nasabing fence ay nagkakahalaga ng $40.1 million at inaasahan na tuluyan ng makumpleto ito sa kalagitnaan ng Hulyo.


Nauna ng nilagyan ng temporaryong barriers ang iconic tourist destination noong 2016 at ngayon ay gagawin na nila itong permanente.

Mula pa kasi noong 2015 ay aabot na sa mahigit 240 tao ang namatay dahil sa terror attack sa Paris, France.

Facebook Comments