China – Isang sidewalk lane ang naimbento ngayon sa Yanta Roan sa Xi’an, bilang paga-adjust sa mga “Phubbers” o yung mga taong naglalakad habang nakatutok ang mga sa cellphone, at walang pakialam sa mundo.
80 cm ang lawak ng mga special lanes na ito na pininturahan sa kulay na red, green at blue na may larawan ng smartphones.
Noong una, inakala ng mga Chinese na panibagong marketing scheme ang gimik na ito, ngunit nabatid na nakakatulong talaga ito para sa seguridad ng mga Phubbers.
Kadalasan kasi na lumalampas sa sidewalk ang mga kotse para magbaba ng pasahero kaya at delikado rin ang mga pedestrian.
Ngunit dahil sa lane na ito, ay maiiwasan na rin ng mga kotse ang mga tao na walang pake sa paligid habang naglalakad.
Facebook Comments