SAFETY FIRST | Makati City government, ipinagbabawal nang i-angkas ang mga menor de edad

Makati City – Ipinagbabawal na ngayon sa lungsod ng Makati na mag-angkas sa motorsiklo at isakay sa likod ng tricycle ang mga menor de edad o maliliit na bata.

Ito ay sa bisa ng city ordinance no. 2017-135 na tinawag na “children’s safety in tricycles and motorcycles ordinance of the city of Makati”, kung saan pagmumultahin ang mga lalabag ng P2,000 sa first offense, P3,000 (second offense) at P5,000 o pagkakakulong ng anim na buwan ang third offense.

Sa nasabing batas, maaari magsakay ng mga bata pero dapat ay abot nila o natatapakan ang foot peg ng motorsiklo, nayayakap nila ng buo ang bewang ng driver at dapat ay mayroong suot na helmet ang bata na may Philippine Standard (PS) o Import Commodity Clearance (ICC) mark.


Exempted din naman ang mga ito kung sakaling maghahatid o may emergency situation ang menor de edad o ang bata na kinakailangan ng immediate medical attention.

Facebook Comments