Manila, Philippines – Nagsagawa ng pag-iinspeksyon ang ilang mga opisyal ng DPWH sa tulay ng Otis matapos makitaan ng mga bitak dahil na rin sa kalumaan.
Ayon kay DPWH Engineer Mike Macud nais nitong matiyak na ligtas sa mga motorista ang Otis Bridge sa oras na muli nilang buksan sa publiko matapos na pansamantalang isara dahil sa mga bitak na lubhang napakadelikado sa mga dumadaang motorista.
Dahil dito nagpalabas ng traffic advisory ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Public Information Office hinggil sa pagsasara ng tulay ng Otis sa Pandacan Manila.
Sa mga motorista na dadaan sa Otis bridge dahil magsisimula ang pagkukumpuni ng naturang tulay mula Nagtahan/Mabini Bridge, maaari silang kumanan sa Paz Guanzon Street para maiwasan ang UN Avenue tuloy tuloy sa President Quirino Avenue pagkatapos kanan patungo sa Plaza Dilao at deretso sa Pres. Quirino Avenue Extention, kaliwa patungo sa UN Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Maaari rin silang dumaan kung sila ay mula eastbound ng UN Avenue patungo sa Paz Guanzon Street ay maaaring kumanan patungong President Quirino Avenue papuntang Plaza Dilao at sa kanilang destinasyon.