SAFETY FIRST | Mga sasakyang ‘hatchback’ na pang-TNVS, planong ipagbawal

Manila, Philippines – Planong ipagbawal ng LTFRB ang ‘hatchback’ at ‘compact’ o yung mga maliliit na kotse na ginagamit sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada – planong alisin ang accreditation ang sasakyang hindi‘2000-cc rated’ para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Wala pang pahayag ang grab at uber kung ilang operators at drivers ang maapektuhan dahil hihintayin pa nila ang pinal na kautusan na ilalabas ng LTFRB.


Facebook Comments