SAFETY INSPECTION, ISINAGAWA SA ITINALAGANG BENTAHAN NG PAPUTOK SA URBIZTONDO

Nagsagawa ng onsite inspection ang Urbiztondo Fire Station, katuwang ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) at ang Public Market Office, sa magiging common selling area o pwesto ng mga paputok at iba pang pampaingay ngayong holiday season.

Layunin ng inspeksyon na masiguro ang mas ligtas na pagdiriwang ngayong holiday season, alinsunod sa kampanyang Oplan Paalala: Iwas Paputok ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng ahensya na paigtingin ang kaligtasan at maiwasan ang anumang pinsala dulot ng paputok alinsunod sa fire safety standards.

Kaakibat ng inspeksyon ang pagsasaayos sa hilera ng mga nagtitinda nang may kaukulang water backup o timba ng tubig na pwedeng inisyal na pang-apula ng apoy, paglalagay ng ‘No Smoking’ sign sa mga itatayong pwesto at limitasyon sa mga pwedeng pagbentahan ng ilang produkto partikular sa mga menor de edad.

Pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat at responsable sa paggamit ng pyrotechnics at iwasan ang ilegal o mapanganib na uri ng paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments