SAFETY MEASURES SA CAUAYAN AIRPORT, PINAIGTING

CAUAYAN CITY- Patuloy na ipinapatupad ng Cauayan Aviation Police Station ang mahigpit na seguridad at pagbabantay sa Cauayan Airport.

Sa panayam ng IFM News Team kay PCapt. Eduars Caballero, Chief ng Cauayan Aviation Police Station, base sa Security Travel Advisory na ipinalabas ng Office of Transportation Security, ang airport dito sa rehiyon dos ay nasa ilalim ng security condition No.1.

Ibig sabihin nito ay normal ang sitwasyon sa airport at walang namo-monitor na anumang panganib.


Gayunpaman, hindi maaaring maging kampante ang hanay ng Cauayan Aviation PS kung saan mas lalong pinaigting pa ang pagtatalaga ng patrolling, paneling, security screening sa entrance at iba pa.

Samantala, pinapaalalahanan naman ni PCapt. Caballero ang mga pasahero na sumunod sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lugar partikular ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na kontrabando sa paliparan.

Facebook Comments