Naniniwala si Presidentiable Senador Panfilo “Ping” Lacson na kailangang maghanda ng gobyerno ng Pilipinas ng safety nets para maprotektahan ang mga kababayan natin na maapektuhan ng posibleng epekto sa ekonomiya ng nagbabantang pagsakop ng Russia sa Ukraine
Ayon kay Senador Lacson na siya rin Senate Committee on National Defense and Security, bagamat malayo ang Pilipinas sa Ukraine,posibleng magkaroon pa rin ng epekto ang naturang insidente sa buong mundo.
Paliwanag ni Lacson posible umanong iisipin natin malayo ang bansang Ukraine sa Pilipinas kaya hindi umano delikado pero para tayong naninirahan sa pandaigdigang nayon,kung saan ang pagsakop sa Ukrain ay malaking epekto sa stock markets sa buong mundo,presyo ng mga pangunahing bilihin at posiblemg pagtaas ng gasolina na kailangan umanong natin paghandaan dahil dumaranas pa tayo ngayon ng paghihirap sa pandemya at nakababawi pa lamang tayo sa ating ekonomiya.
Base sa mga inisyal na ulat, nagpalabas na ng warning ang Estados Unidos hinggil sa posibleng pagsalakay ng Russia sa Ukraine sa mga nalalapit na araw.
Umapela naman si Lacson sa gobyerno na magsimula nang gumawa ng mga preparasyon para sa proteksyon ng mga Pinoy sa Ukraine kung saan kamakailan lamang ay inatasan na ng Estados Unidos, United Kingdom at ibang bansa ang kanilang mga citizen na umalis na ng Ukraine sa loob ng 48 oras.
Base sa datos ng Department of Foreign Affairs, halos 380 Pinoy ang kasalukuyang nasa Ukraine.