"Safety nets" ng Rice tariffication bill, dapat tiyakin ng gobyerno – VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Dapat umanong tiyakin ng gobyerno ang pagpapatupad ng ‘safety nets’ sa ilalim ng rice tariffication law.

Ayon kay Vice President Leni Robredo – bagama’t sang-ayon siya sa hangaring maparami ang suplay at mapababa ang presyo ng bigas sa bansa, nangangamba naman siya sa posibleng maging epekto nito ng sa mga local farmer.

Aniya, dapat maging mabilis ang implementasyon ng ‘safety nets’ para masigurong hindi magiging negatibo ang epekto nito sa mga magsasaka.


Dagdag pa ni Robredo – dapat balansehin ng gobyerno ang pagpapatupad ng nasabing batas para matiyak na marami ang matutulungan nito habang hinaharang ang posibleng masamang epekto ng mga polisiya.

Kaya bukod sa pagbabantay sa batas, aabangan din daw niya ang implementing rules and regulations ng rice tariffication law.

Facebook Comments