Safety ng COVID-19 vaccine, dapat tiyakin muna bago bilhin

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na unahing tiyakin ang safety ng bakuna kontra COVID-19 bago ang pagbili nito.

Ayon kay Go, nakausap niya sina Health Secretary Francisco Duque at Vaccine Czar Carlito Galvez na siguruhin nilang safe na iturok sa mga Pilipino ang bakuna.

Bukod sa safety, ay binibigyang konsiderasyon din ni Go ang affordability, availability, accessibility at efficacy ng bibilhing COVID-19 vaccine.


Muling iginiit ni Go na uunahin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mahihirap at vulnerable sector kasama ng mga frontliners, sundalo at mga pulis na mabigyan ng bakuna.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si Go sa publiko na konting tiis pa at palaging sumunod sa health and safety protocols ng pamahalaan para maiwasang mahawa ng COVID-19 habang inaabangan ang pag-develop ng ligtas at mabisang bakuna laban sa nasabing virus.

Facebook Comments