SAFETY PROTOCOLS NGAYONG HOLIDAY SEASON, IGINIIT SA MANGALDAN

Nagpaalala ang Mangaldan Police Station na magdoble-ingat ang publiko ngayong holiday season kung kailan inaasahan ang padami ng mga kawatang nanamantala.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PMAJ Rodrigo Lubiano Jr., Deputy Chief of Police, mahalagang maging mas maingat ang bawat residente upang maiwasang mabiktima ng krimen.

Binigyang-diin ng pulisya ang ilang paalala tulad ng pagsisiguro na naka-lock ang mga pinto bago umalis ng bahay, pag-unplug ng appliances, paglalagay ng CCTV kung kaya, at paghinto muna sa pagpo-post online kapag aalis o magbabakasyon upang hindi makita ng mga kawatan.

Ipinayo rin ang pag-iwas sa pagsusuot ng mamahaling alahas, pagdadala ng malaking halaga ng pera, at pakikipag sisiksikan sa matataong lugar.

Sa kabila nito, patuloy ang 24-hour patrol ng kapulisan sa mga lansangan at mahahalagang establisimyento, lalo na sa financial establishments na madalas puntiryahin tuwing gabi.

Nananatili ring aktibo ang Oplan Bandillo para maiparating ang mahahalagang impormasyon sa publiko, habang nagpapatuloy ang presensya ng kapulisan sa mga areas of convergence. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments