SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Iginawad naman sa Philippine National Police – San Carlos City at sa Bureau of Fire Protection – San Carlos City ang Safety Seal Awards mula sa DILG San Carlos City Inspection and Certification Team.
Layunin ng programang pagbibigay ng safety seal ay upang mahikayat ang lahat ng establisimyento, mapa-gobyerno man ito o pribado, na mag secure ng Safety Seal o certification bilang katibayan na ang mga ito ay sumusunod sa minimum public health standards.
Sa programa na ito, ang nakatakdang issuing and inspecting authority ay ang DILG, BFP, at PNP para sa government offices, at LGU Inspection Team (kasama ang DTI) para sa private establishments. Sa ngayon, ang Safety Seal ay hindi pa mandatory.
Ito rin ay libre o walang bayad. Ang pag-display ng Safety Seal sa entrance ng isang compliant establishment ay hudyat na ligtas ito para sa mga mamamayan mula sa banta ng COVID-19.