Safety Seal Certification mula sa DILG, nakamit ng Senado

Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Senado ng Safety Seal certification.

Tinanggap ito ng mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Deputy Secretary for Administration and Finance Arnel Banas.

Ito ay pagkilala sa pagsunod ng Senado sa minimum health standards na itinakda ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Ayon kay Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica, sa simula pa lang ng pandemya ay mahigpit ng ipinatupad ng Senado ang health standards para sa kaligtasan ng mga empleyado nito laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Renato Sison Jr. ng Medical and Dental Bureau, kabilang sa kanilang istriktong isinasagawa ang araw-araw na disinfection sa gusali ng Senado, at paggamit ng thermal scanner o thermal gun para matukoy ang temperatura ng lahat ng papasok dito na sasagot din sa health declaration sheets.

Sabi ni Dr. Sison, mayroon din silang isolation area para sa magpapakita ng sintomas ng virus, at agad silang nakikipag-ugnayan sa ospital kung may empleyado na kailangan ng mas pinag-ibayong atensyong medikal.

Binanggit din ni Dr. Sison ang pagsasagawa ng Senado ng sariling contact tracing at pangangalaga sa mga empleyado na dumanas ng mild infections.

Facebook Comments