Safety Seal Certification para sa mga negosyo, inilunsad

Inilunsad ng pamahalaan ang Safety Seal Certification para sa mga business establishments.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layon ng sertipikasyon na maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa pagtangkilik sa mga negosyo.

Aniya, ang pagkakaloob ng safety seal ay nangangahulugan na compliant sa minimum health protocols ang mga establisyimento at maituturing na “seal of good housekeeping.”


Nilinaw naman ni Lopez na boluntaryo ang aplikasyon ng safety seal certification.

Facebook Comments