SAFETY SEAL CERTIFICATION PROGRAM INSPECTION NG DTI PANGASINAN, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang pamunuan ng Department of Trade and Industry sa pag inspeksyon para sa mga DTI Safety Seal applicants mula sa San Carlos City, Dagupan City at Calasiao.

Ang DTI safety seal certification program ay isang certification scheme na naglalayong mabigyan ng seguridad ang publiko na ligtas ang isang establisyemento at sumusunod sa pagpapatupad ng minimum public health standards na itinakda naman ng national IATF.

Hinikayat din naman ng ahensiya ang mga ito na iadopt ang StaySafe.ph digital contact tracing application para sa epektibong pagcontain sa pagkalat ng COVID-19.


Samantala, sinabi din ng ahensya sa groceries, supermarkets, membership shopping clubs, convenience stores, construction supplies/hardware stores, Logistics Service Providers, barbershops at ilan pa na magparehistro sa SSC.

Facebook Comments