Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na gawin nang mandatory ang safety seal certifications sa ilang establisyimento sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang kasi sa pagbibigay ng safety seal certifications ang pagkakaroon ng ventilation standards.
Aniya, mas malaki kasi ang tiyansa na manatili ng matagal ang virus sa mga kulob o enclosed space kaya’t mahalaga na tuloy-tuloy ang daloy ng hangin.
Sa pamamagitan din aniya ng safety seal, malalaman ng publiko ang mga establisyimentong sumusunod sa minimum public health standards.
Facebook Comments