SAFETY STANDARDS | Safety audit sa mga malls at hotels sa gitna ng nangyaring sunog sa Manila Pavilion Hotel, iginiit ng ALU-TUCP

Manila, Philippines – Iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union
Congress of the Philippines (ALU-TUCP), nagkaisa ang pagsasagawa ng safety
audit sa mga malls at hotels sa gitna ng nangyaring sunog sa Manila
Pavilion Hotel and Casino.

Ayon kay Allan Tanjusay, Policy Advocacy Officer ng ALU-TUCP, lantad sa
panganib tulad ng sunog ang mga manggagawa dahil sa mga pasaway na mga
negosyante at mga amo na patuloy na tumatangging magpatupad ng occupational
safety and health standards

Batay sa datos ng ALU-TUCP, pumalo na sa 79 ang mga manggagawa na nasawi sa
buong bansa simula noong June 2017 hanggang March 18, 2018 dahil sa kawalan
ng safety measures sa kanilang pinagtatrabahuhang establisyimento.


Ayon kay Tanjusay, dapat magsagawa na ng joint inspection ang Department
of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Fire and Protection (BFP) sa
mga establisyimentong pang negosyo para matiyak kung nakatugon ang mga ito
sa occupational safety at health standards.

Magugunita na noong December 23, tatlumput pitong call center agents at
building employees ang nasunog ng buhay sa sunog na tumupok sa NCCC Mall sa
Davao City.

Marso a sais naman nang masawi ang limang construction workers sa bumigay
na bunkhouse sa Cebu City.
<#m_-7663271179607222636_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments