SAGASA | Lolo, patay matapos mahagip ng trak sa Caloocan

Caloocan City – Patay ang isang 78-anyos na lolo matapos na sagasaan ng isang trailer truck sa Rizal Avenue Corner 5th Avenue, Caloocan City.

Ayon sa saksi na si Ernie John Garcia, nakasabay pa niya ang biktimang si Ricardo Ginco sa pagtawid, pero nahagip pa rin siya ng truck.

Wala namang nakakita sa plaka ng truck kaya patuloy ang paghahanap ng mga pulis ng CCTV sa lugar sa pagbabakasakaling matukoy kung sino ang may-ari ng sasakyan.


Panawagan ngayon ng mga kaanak ng biktima, panagutan sana ng driver ang aksidente.

Facebook Comments