SAGAY 9 | Pagkakasangkot ng NPA sa Sagay 9 massacre, kinondena ng NFSW

Kinondena ng National Federation Sugar Workers (NFSW) ang pag-uugnay sa New Peoples Army o NPA sa pagpatay sa tinaguriang Sagay 9.

Ayon kay John Milton Lozande, secretary general ng NFSW matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad ang mga magsasaka na pawang mga lihitimong sugarcane farmers.

Aniya, duda din sila sa mga ebidensyang mga iprinisinta ng mga pulis na inuugnay sa mga biktima gaya ng mga baril at bala na sinasabing nakuha sa lugar.


Giit ni Lozande, matagal ng nalinis ang lugar bago pa man dumating ang mga pulis.
Wala na rin aniya roon ang mga bangkay kaya nakakapagtaka na may nakuhang mga baril ang mga awtoridad.

Facebook Comments