SAGAY 9 | PNP, hindi matukoy kung may kinalaman ang pag-atake ng mga NPA sa Hacienda Nene sa Red October plot

Hindi pa masabi ng Philippine National Police (PNP) kung may kinalaman sa umano ay “Red October” plot ang nangyaring pag-atake ng hinihinalang miyembro ng CPP-NPA sa mga magsasaka sa Sagay, Negros Occidental kung saan siyam ang nasawi.

Sa press conference sa Camp Crame kanina, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na posibleng bahagi lang ito ng mass base recovery ng komunistang grupo dahil na rin sa mga localized peacetalk kung saan maraming rebelde na ang sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno.

Dagdag pa ni Albayalde, nais lang din ng komunistang grupo na isisi na naman sa gobyerno ang nasabing pag-atake bagay na hindi naman magagawa ng PNP at AFP.


Facebook Comments