Sagot ng DOJ sa mga panawagan na pauwiin sa Pilipinas si dating Pangulong Duterte: “tapos na”

“It’s a done deal.”

Yan ang sagot ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa posibilidad na makabalik sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa The Netherlands matapos ipaaresto sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa ambush interview kanina, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mismong sa dating pangulo na rin naman nanggaling na handa siyang harapin ang mga kaso.


Sinabi pa ni Remulla na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon sa pamamagitan ng Task Force on Extrajudicial Killings (EJK) na binuo noong nakaraang taon.

Sa kabila naman ng pagkakawatak-watak ng mga taga-suporta ng magkabilang panig, sinabi ni Remulla na mainam pa rin na magkaisa ang mga Pilipino para sa hustisya.

Facebook Comments