Manila, Philippines – Planong palitan ngayon ng pamahalaan ang mga may-ari ng MRT Corporation na dahil sa mga problemang kinakaharap ngayon ng MRT.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kabilang ang problema MRT sa mga napag-usapan kagabi sa naganap na Cabinet Meeting kagabi.
Napagusapan aniya ang short-term solution na kailangang gawin ng Department of Transportation ay bumili ng mga kinakailangang spare parts ng tren para agad na mapalitan ang mga nasisira, medium solution naman ang pagbabalik ng Somitomo bilang Maintenance Provider ng MRT Line 3 at ang pangatlo ay palitan ang may-ari ng MRT.
Paliwanag ni Roque, malaking papel ang ginampanan ng MRT Corporation sa problema ngayong kinakaharap ng MRT.
Una nang sinabi ni Roque na pinakakasuhan na ni Pangulong Duterte ng Plunder ang mga dating opisyal ng nakaraang partikular sina dating Interior Secretary Mar Roxas, Secretary Jun Abaya at dating Budget Secretary Florencio Butch Abad.