Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Fr. Anton Pascual Executive Director ng Caritas Manila na lubhang mapanganib umano ang diborsyo sa Pilipinas kapag tuluyan ng maisabatas ang naturang panukalang batas na naipasa na ng Kamara.
Ayon kay Fr. Pascual ang pagpapakasal ay kahalintulad ng isang pagpapari na isang vocation o “Calling from God” na dapat bigyan halaga ng mag asawa at huwag ipagwalang bahala dahil ito ay isang sagrado na sinumpaan ng mag-partner sa harap ng Diyos.
Hinimok din ni Fr. Pascual ang simbahan Katolika na pag iibayuhin ang pagpapaliwanag sa mga taong bayan hinggil sa kahalagahan ng pagpapakasal.
Paliwanag ng pari isang malaking hamon sa simbahang Katolika ang naturang panukalang batas na naipasa na sa Kamara na imulat sa mga mambabatas ang kahalagahan ng kasal sa isang pamilya.
Matatandaan na nagsagawa ng sariling survey ang Caritas Manila at base sa kanilang nakalap na tugon ng publiko ay marami umanong pumapabor sa diborsyo sa bansa.