SAGUPA | Matataas na opisyal ng NPA, patay sa engkwentro sa Tarlac

Tarlac – Patay ang dalawang matataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) sa nangyaring sagupaan sa lalawigan ng Tarlac kahapon.

Kinilala ang dalawang nasawing opisyal ng NPA na si Victorio Tesorio alyas Dong, Rico, Dado, Merto, Ikoy at Reto, tumatayong 1st Deputy Secretary ng komiteng rehiyon sa hilagang silangang Luzon at Lolito Raza alyas Lanlan, CO, Danilo Ben ng WestCom Northern Front.

Ayon kay Police Supt. Fe Grenas ang tagapagsalita ng PNP Region 3, nasawi ang dalawa matapos ang ilang minutong sagupaan nang manlaban ang mga suspek nang isilbi sa kanila ang warrant of arrest dahil sa mga kasong murder, frustrated murder, attempted murder at rebellion.


Nakuha sa mga nasawing suspek ang dalawang kalibre 45 baril, dalawang hand grenades, isang laptop at mga mahahalagang dokumento ng mga rebelde.

Sinabi naman ni Police Chief Supt. Amador Corpuz ang PNP Regional Director ng Police Regional Office 3 na ang matagumpay na operasyong ito ayu dahil sa mas pinaigting na operasyon ng militar at pulisya laban sa mga lawless elements.

Facebook Comments