SAGUPAAN | 2 sundalo at 10 bandidong ASG – patay sa engkwentro sa Patikul, Sulu

Sulu – Patay ang dalawang sundalo at sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group sa sagupaan sa Patikul, Sulu.

Naka-engkwentro ng mga miyembro ng 5th scout ranger battalion ang mga bandidong grupo sa kasagsagan ng pagsagip sa mga kidnap victims na hawak ng mga rebelde.

Ayon kay Brigader General Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu – tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok.


Naging limitado aniya ang kilos ng mga sundalo dahil kailangan nilang protektahan ang mga kidnap victims.

Nakuha mula sa mga bandido ang m16 rifle.

Dinala naman ang dalawang sundalong namatay sa headquarters ng Joint Task Force Sulu, bago dalhin sa kanilang pamilya.

Facebook Comments