SAGUPAAN | 6 BIFF fighters, patay sa engkwentro kontra militar sa Maguindanao

Maguindanao – Patay ang anim na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos maka-engkuwentro ang militar sa Maguindanao.

Sa ulat, nakasagupa ng militar ang tinatayang 50 BIFF members sa pamumuno ni Kumander Peni sa ilalim ng Karialan faction.

Sa dami ng mga rebelde, agad na tumawag ng tulong ang militar kung saan dalawang mg-520 attack helicopters ng Philippine Air Force ang siyang nag-bomba sa posisyon ng mga terorista.


Dito na nakita ang mga nasawing miyembro ng BIFF habang patuloy na tinutugis ang iba pang mga miyembro nito.

Dahil dito, lumobo naman ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa takot na maipit sa bakbakan.

Facebook Comments