SAGUPAAN | Isang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa San Rafael, Bulacan

Bulacan – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang militar sa Barangay Nabaong Garlang, San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ang nasawing rebelde na si alyas Buddy na miyembro ng Timog Sierra Madre ng NPA.

Ayon sa ulat ng Philippine Army, alas-8:00 kagabi, nagsasagawa ng law enforcement operations ang northern Luzon Command kasama ang San Ildefonso Municipal Station sa nasabing lugar nang makasagupa ang armadong grupo.


Narekober sa insidente ang isang hand grenade, kalibre 38, isang motorsiklo at backpack.

Dahil dito, mas lalo pang paiigtingin ng militar ang kanilang mga operasyon para ma-neutralize ang mga rebelde kung saan patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga concerned agencies para maiwasan ang pagkalat ng mga NPA sa Central at Northern Luzon.

Wala namang naiulat na nasawi sa panig ng mililtar.

Facebook Comments