Sagupaan ng 95th IB at NPA sa Ilagan City, Isabela, Isa-Patay sa Panig ng Militar!

*Ilagan City, Isabela*- Isa ang kumpirmadong patay sa panig ng militar sa naganap na bakbakan sa pagitan ng 95th Infantry Battalion at sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sindon Bayabo, Ilagan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Captain Noriel Tayaban, OIC ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th Infantry Division Philippine Army, isang sundalo ang nasawi sa panig ng 95th IB habang nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mahigit kumulang na apatnapung miyembro ng Reynaldo Piñon Command sa ilalim ng Central Front ng Kilusang Rehiyon Cagayan kaninang umaga.

Inaalam naman ngayon ng militar kung may namatay sa panig ng NPA dahil may mga nakitang bakas ng dugo sa pinagpwestuhan ng mga nakasagupang rebelde.


Sa ngayon ay nasa pamunuan muna ng 5th ID ang bangkay ng nasawing sundalo habang patuloy pa rin ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga militar laban sa mga NPA.

Facebook Comments