Sagupaan sa pagitan ng militar at NPA nagpapatuloy sa Caramoan, Camarines Sur

Nagpapatuloy ang sagupaan sa pagitan ng  mga tauhan ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army  at ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Mampirao Caramoan, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ni PNP Region 5 Regional Director Police Brig. Gen. Arnel Escobal.

Aniya alas 6:10 ng umaga kanina nang magsimula ang sagupaan sa pagitan ng militar at hindi pa mabilang na miyembro ng NPA.


Sa nagpapatuloy na sagupaan nakarekober na ang militar ng dalawang bangkay mula sa mga kalabang NPA.

Nakarekober na rin sila ng limang mga long firearms na mula rin sa mga kalaban.

Una rito ay nagsasagawa ng combat operation ang militar sa lugar nang makasagupa ang mga NPA.

Facebook Comments