Sahara Games Corporation at Opisyal ng PCSO Isabela, Idineklarang Persona-non-Grata

Cauayan City, Isabela- Nagkasundo ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela para ideklarang Persona-non-Grata ang ilang opisyal at empleyado ng Sahara Games and Amusement Philippines Corporation na pinangungunahan ni Eduardo Davalan maging si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Isabela Manager Jennifer Sunga.

Batay sa inilabas na resolution no. 2020-45-1, nakasaad dito na may panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga Isabeños dahil sa ginawang pagbabalik operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa harap pa rin ng banta ng COVID-19 habang makailang ulit na rin ang ginawang pagpapatigil ng kapitolyo sa kanilang operasyon.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may ilang reklamo na rin ang natanggap ng provincial government noon na hindi umano nagkakaroon ng tamang pagbabayad o insentibo na naibibigay ang korporasyon sa kanilang mga empleyado.


Sinasabi rin na matagal ng hindi nakakapagbayad ng local tax ang SAHARA na isang dahilan ng ginawang pansamantalang pagpapatigil sa operasyon nito.

Samantala, matatandaang iginiit ng pamunuan ng Sahara Games and Amusement Corporation of the Philippines na ‘payola’ ang nakikitang rason sa pagpapatigil ng kanilang operasyon.

Facebook Comments