Sahod ng civilian government employees, pinatataasan ng Senado

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go na taasan ang sahod ng civilian employees ng pamahalaan upang matapatan ang kasalukuyang economic conditions ng bansa.

Inihain ni Go ang Senate Bill 2504 o Salary Standardization Law 6 (SSL6) na layong sundan ang probisyon ng Republic Act (RA) 11466 o ang Salary Standardization Law 5 (SSL5).

Binibigyang-diin sa panukala ang pangangailangan na i-review at dagdagan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng “cost of living” at inflation rate.


Layon ng panukala na i-modify o baguhin ang salary schedule ng mga civilian personnel at gagawin ang pagtataas sa apat na tranches.

Sakaling maisabatas ang panukala, sakop ng dagdag na sahod ang lahat ng civilian government personnel mula sa Executive, Legislative, at Judicial Branches, Constitutional Commissions, government-owned or -controlled corporations na hindi saklaw ng RA 10149, at Local Government Units (LGUs).

Naniniwala si Go na ang pagtataas sa sahod g mga government employee ay makahihikayat sa mga tao na piliing magtrabaho sa pamahalaan at paraan din ito para maiiwas ang mga empleyado sa paggawa ng katiwalian dahil mayroon silang matatag na source ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments