Matapos magtrabaho sa loob ng dalawampung-araw na pagtatrabaho sa mga opisina ng LGU at iba’t ibang mga establisyemento, natanggap na ng mga estudyante ang kanilang nga benipisyong sahod mula sa DOLE at ng LGU.
Sa datos, nasa tatlumpung estudyante ang sumailalim sa programa ng Department of Labor and Employment na Special Program for the Employment of Students katuwang ang LGU Dagupan.
Natanggap ng bawat estudyante ang kabuuang P10,810.00 kung saan nagmula ang 60% ng sahod sa DOLE at ang 40% naman ay sa LGU.
Ang SPES Program ng ahensya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong mag-aaral na sumailalim sa pagtatrabaho habang sila ay nakabakasyon.
Magagamit ng mga estudyante ang kanilang benepisyo para sa kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments