Sahod ng mga manggagawa, pinarerepaso ni PBBM sa regional wage board

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na repasuhin ang sahod ng mga manggagawa.

Sa gitna ito ng panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines na i-certify as urgent ang panukalang ₱200 legislated wage hike.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kasalukuyan nang nire-review ang umento sa sahod sa 16 na rehiyon habang may ilang rehiyon na rin ang nagtaas ng sweldo.

Paliwanag ni Castro, kailangang mapakinggan ang employers at mga empleyado para makapagbigay ng rasonableng sweldo.

Samantala, sa usapin naman kung sisertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ang panukalang ₱200 wage hike, sinabi ni Castro na wala pang tugon dito ang pangulo.

Matatandaang noong Enero ay hati pa ang posisyon ng pangulo sa usapin dahil marami aniya ang dapat na ikonsidera tulad ng legal at economic issues ng panukalang dagdag sahod.

Facebook Comments