Sahod ng nasa 10-K OFWs na naapektuhan ng pagsasara ng ilang malalaking kompanya sa Saudi, malapit nang maibigay

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na malapit nang matanggap ng nasa 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang sahod.

Ito’y matapos magsara ang ilang kompanya sa Saudi Arabia matapos malugi ng 10 taon na ang nakalilipas.

Sa abiso ng DMW para sa mga claimant, maigi na makipag-ugnayan sa ahensya at kanilang group leaders para ma-facilitate ang paglalabas ng payments.


Sinabi ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na nakatanggap ang kaniyang opisina ng impormasyon mula sa Al Kheraiji law office kaugnay sa claims ng mga manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa Saudi Oger at Mohammad Al Mojil Group.

Kasunod nito, nailabas na sa group leaders ng dalawang kompaniya ang listahan ng mga manggagawa na kabilang sa unang batch na kwalipikado para sa payout.

Facebook Comments