Manila, Philippines – Umalma na ang Department of Health sa pagka-antala ng sahod ng public health nurses sa bansa.
Isinisi ito ng DOH sa pagkakabinbin ng 2019 General Appropriations Act na hindi pa rin naaprubahan ng Kongreso.
Ayon sa DOH, dapat isa-alang-alang man lang ang papel nila sa reporma sa kalusugan lalo nat naipasa na ang Universal Health Care law.
Sakali anilang maaprubahan na ang GAA, nasa 26,000 na mga manggagawa kabilang na ang Rural health doctors, Public health nurses, rural health midwives, dentists, medical technologists, pharmacists at nutritionists ang matatanggap sa trabaho kung saan 17, 205 sa posisyon na ito ay ilalaan sa mga nurse.
Facebook Comments