Cauayan City, Isabela-Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) Region 2 na magsagawa ng limited face-to-face classes ang University of Saint Louis-Tuguegarao.
Ito ay matapos bigyan ng Certificate of Authority (CA) ng ahensya para sa ilang health-related course.
Batay sa facebook post ng SLU Tuguegarao City, ilan sa mga pinahintulitan na magsagawa ng face-to-face classes ang mga kursong BS Nursing at BS in Medical Technology/ Medical Laboratory Science programs.
Nakasaad sa CA na ang pagbubukas ng unibersidad ay sa short-term 2021 na tatagal hanggang 1st semester nv Academic Year 2021-2022. Nakumpleto rin ng unibersidad ang mga dokumentong hinihingi ng ahensya at Department of Health sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2021-001.
Samantala, anumang araw ay maaaring bawiin ng CHED ang sertipikasyon na iginawad sa unibersidad kung hindi masusunod ang patakaran at regulasyon batay sa napagkasunduan.
Ito ang kauna-unahang Higher Education Institution sa Region 2 na nabigyan ng CA ng CHED.