Saint Peter Funeral Homes sa Santiago City, Nasunog!

Santiago City, Isabela – Muntik nang maging abo ang Saint Peter Funeral Homes sa Dubinan, Santiago City matapos na masunog kahapon sa oras na alas dos ng hapon.

Ayon kay Senior Fire Officer1 Alberto Timbal, Chief Investigation ng BFP Santiago City na dahil sa short circuit at overload ang pinagmulan ng sunog.

Mas malaki umano ang pinsala sa pangalawang palapag ng nasabing establisyemento na tirahan umano ng may ari na si ginoong Joseph Mushni, kumapara sa unang palapag na nakalagay ang maraming kabaong na naisalba naman umano ang karamihan dito.


Sinabi pa ni SFO1 Timbal na hindi naman gaanong tumagal ang sunog dahil sa nakipagtulungan ang BFP Cordon, Echague at Chinese Fire Volunteer Brigade.

Samantala walang naitalang nasugatan sa sunog at hindi pa malaman hanggang sa ngayon ang halaga na napinsala ng sunog.

Facebook Comments