#SakangSiKathryn NAG TRENDING NITONG WEEKEND, KATHRYN BERNARDO NAGLABAS NG SALOOBIN

Sadyang napakalikot ng isip ng mga netizen at maging kapintasan ng isang tao ay naiuugnay parin nila sa kasalukuyang sitwasyon. Naging trending nitong Sabado, May 16,2020 ang #sakangsikathryn mula noong magsalita ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pagkakasara ng ABSCBN. Ang kapintasan niya ang naging counter attack ika nga ng kanyang bashers at kapamilya bashers.

Matagal ng ipinupukol sa aktres ang pagiging sakang. Ito ang dahilan kaya tinanggal niya ang comment section sa kanyang Instagram account, dahil sa lawak daw ng negativity dito. Nitong Linggo, nag post ng picture na nakangiti Kathryn kasama ang aso niyang si Tala at may caption na, “Tala and I reacting to my bashers, LoL.” Kasunod naman nito ay ang Vlog kung saan sinagot niya ang mga bashers na kumukutya sa kanyanh legs.

Aniya, “Yes it’s not straight. It’s kinda ganyan, ‘parang parenthesis’, yun ang sinasabi nila. “E, wala e. Parte siya ng pagkatao ko.” Dagdag pa ng dalaga, si DJ o Daniel Padilla na kanyang nobyo daw ang nagturo sakanya to embrace her imperfections. Ito raw ang nagpa realize saknya na wag ma conscious dito.


At ito umano ang dahilan para ma overcome niya ang insecurity. Sa huli sabi nia Kathryn, “I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!” Yan ang proud na pahayag ni Kathryn.

Facebook Comments