SAKAY NA | Pag-sakay sa Kalesa Patok!

Kalesa ang naging pangunahing transportasyon ng mga Pilipino lalo na ng mga prominente at makapangyarihang tao sa lipunan noon. Binansagan pa nga itong Rolls Royce of 18th centuries sa Pilipinas.

Sa ngayon bibihira na lamang tayo makakita ng mga kalesa at piling lugar lamang sa Pilipinas ang napanatiling may ganitong klaseng trasportasyon. Kaya naman mapalad ang mga Dagupeños na mayroon paring mga kalesang pwedeng sakyan habang ninanamnam ang ganda ng lungsod.

Ang industriya ng pagkakalesa ay hindi biro sapagkat kailangan ng kasanayan ng mga hinete sa pagpapatakbo nito, nariyan din ang hamong makahikayat ng mananakay. Sinisiguro din ng mga may-ari at ng local na pamahalaan na ligtas ang mga ginagamit sa pag-sakay dito at nasa kundisyon ang mga kabayo. Sa Dagupan tuwing alas-sais ng gabi nag-uumpisa ang pagkakalesa at nagtatagal ito ng hanggang ala-una ng madaling araw.


Sa halagang 200 hanggang 300 pesos ay maiikot mo na ang downtown loop ng Dagupan o di kaya naman ay sa new De Venecia road kung nasaan ang carnival at paseo de belen. Mag-selfie, groupie, at mag-enjoy habang sakay ng kalesa.

Nakasakay ka na ba ng kalesa? Share mo naman ang iyong experience.

Facebook Comments