Sakay ng kotse na nahulo sa building sa Sta.Cruz Maynila, dead on arrival sa hospital

Manila, Philippines – Kinumpirma na patay na bago pa man makaraning sa pagamutan ang isang babae na syang sakay ng kotseng nahulog sa building sa Sta., Cruz Maynila.

Mag-aalas dose ng madaling araw, bigla nalang bumagsak ang itim na kotse mula sa 5th floor ng parking area sa felix huerta road.

Ayon kay Dr. Clements Reynaldo ng Jose Reyes memorial hospital 1:18 ng madaling araw ng makarating nsa kanila ang biktima at ito ay dead on arrival.


Naging pahirapan ang pag rescue sa biktima matapos maipit sa loob ng kotse kung saan gumamit pa ng mga makinarya.

Yupi at halos malasog ang sasakyan dahil sa rin sa impak ng pagbagsak.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan ng nasabing aksidente pero makikita na tila may pag kukulang sa desensyo ng parking space.

Manipis lang kasi ang nagsisilbing harang nito at mabilis magiba kapag naatrasan ng sasakyan.

Facebook Comments