Sakay sa Pasig River Ferry, mananatiling libre ayon sa MMDA

PHOTO: MMDA Pasig River Ferry Service/Facebook

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nananatiling libre pa rin ang pagsakay sa Pasig River Ferry.

Kaugnay nito, balak ng MMDA na magdagdag ng ferry boat lalo na’t inaasahang dadami ang mga pasaherong sasakay sa ferry boats ngayong Christmas season.

Sa ngayon, anim lamang ang gumaganang ferry boats ng MMDA.


Ito ay mula sa 13 istasyon ng Pasig River Ferry iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Kumpiyansa rin ang MMDA na sa pagsasanib- pwersa nila ng Philippine Coast Guard sa pagpapatakbo ng Pasig River Ferry Service ay lalo pang tataas ang ridership dahil mas secured ito ngayon.

Facebook Comments