Manila, Philippines – Prayoridad ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na proteksyunan ang mga inmates laban sa anumang sakit bunga ng mainit na panahon.
Ayon kay BJMP Director Deogracias Tapayan, kasalukuyan silangg naglilibot sa mga jail facilities sa mga lalawigan para inspeksyonin ang mga jaik facilities ngayong pagsapit ng panahon ng summer season.
Ipinag-utos na ni Tapayan sa mga jail warden na alamin ang pangangailangan ng mga inmates sa higit 400 jail facilities sa bansa at isa na rito ang paglalagay ng isolation room para sa mga may sakit upang hindi na makahawa pa sa ibang preso.
Aminado ang opisyal na marami ang nagkakasakit tuwing summer season kayat pinaghahandaan na nila ito.
Pero pangunahing concern pa rin ng BJMP ang congestion o pagsisikip sa mga bilangguan kayat umaasa sila na mapalakas pa ang legal services upang mas mapabilis ang disposition sa kaso ng mga inmates at mapabilis ang proseso ng pagpapalabas sa mga ito.
Bukod dito, tinututukan din ng kagawaran ang konstruksyon ng mga jail facilities.