
Cauayan City – Nagbabala ang Department of Health Cagayan Valley ukol sa lymphatic filariasis o mas kilala bilang filariasis na lumalabas tuwing tag-ulan.
Ayon sa mga eksperto, bukod sa Aedes aegypti na pangunahing nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami ngayong maulan ang mga lamok gaya ng Aedes species pluralis, Anopheles species pluralis at Mansonia species pluralis na siyang nagdadala ng Filariasis.
Ang Filariasis ay isang sakit na dulot ng microscopic na bulate na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na lamok.
Kapag napabayaan, ito ay maaaring magdulot ng permanenteng pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Upang maiwasan ang sakit, inirerekomenda ng ahensya ang mga hakbang tulad ng pagsunod sa “4S”, taob, taktak, tuyo, at takip sa mga lalagyan ng tubig upang walang pamugaran ang lamok.
Mainam din ang pagsusuot ng mahabang kasuotan, paggamit ng mosquito repellent kapag lalabas, at pagtulog sa loob ng kulambo.
Patuloy namang isinusulong ng Department of Health (DOH) ang mass drug administration sa mga lugar na may banta ng Filariasis.









