Sakit na posibleng makuha bunsod ng epekto ng El Niño, ibinabala ng isang health expert

Nagbabala ang mga health expert sa mga posibleng sakit na pwedeng makuha dahil sa pag-iral ng El Niño.

Ayon kay Philippine College Physicians President at infectious diseases expert Rontgene Solante, kabilang sa mga pangkaraniwang sakit sa tuwing matindi ang init ng panahon ay dengue, malaria, typhoid fever, salmonella, shigella, hepatatis a, amoebiasis at iba pang viral infections na maaaring magdulot na food poisoning.

Pinag-iingat din ang publiko lalo na ang mga senior citizen sa heat stroke.


Payo ni Solante, uminom ng maraming tubig, magsuot ng manipis o maaliwalas na damit at huwag magbabad sa sikat ng araw.

Facebook Comments