SAKIT NA UBO’T SIPON, TALAMAK NGAYONG NARARANASAN ANG PANAHON NG AMIHAN

Talamak na nararanasan ng mga Pangasinense sa ngayon ang sakit na ubo at sipon lalo pa at pumasok na at nararanasan na ang panahon ng Amihan.
Buhat nito, mahigpit na binabantayan ngayon ng Health Authority ang tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng ubo at sipon ngayon panahon.
Ang iba sa mga magulang, agad nang nagpapa-check ang kanilang mga anak sa oras na makitaan ng mga sintomas ng naturang sakin nang sa gayon ay mabigyan na ng nararapat na gamot at hindi na humantong sa mas malala pang sakit tulad ng lagnat o trangkaso.

Ayon sa health authorities, wala anumang dapat na ikabahala ang mga magulang kung nakakaranas ang kanilang anak ng ubo at sipon dahil kadalasan na kanilang mga naobserbahan ay viral infection ang nararanasan.
Sa ngayon, dahil sa patuloy na pagkakaroon ng kaso ng ubo at sipon ay madali umanong nauubusan ang mga health centers ng mga gamot na naaayon para sa naturang sakit para maibigay sa mga nagpapa-check up. |ifmnews
Facebook Comments