Manila, Philippines – Nangunguna pa rin ang sakit sa puso at diabetes ang dahilan ng kamatayan ng mga Pilipino.
Ito ang naitalang datos ng Department of Health (DOH) mula 2012 hanggang 2017 kung saan 68% ng recorded deaths ay dulot ng non-communicable diseases.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, nakakabahala ang mga ganitong kaso.
Dagdag pa ni Domingo, kaya rin tumataas ang kaso dahil sa sobrang konsumo ng asin, bigas at asukal.
Bukod sa sakit sa puso at diabetes, kabilang din sa mga nangungunang pumapatay sa mga Pilipino ay cancer at aneurism.
29% ng 105 million population ng Pilipinas ay hindi na aabot sa edad 70 dahil sa unhealthy lifestyle tulad ng kawalan ng ehersisyo, matinding paninigarilyo at pag-inom ng alkohol.
Facebook Comments