‘SAKIT SA ULO’ | Oprah Winfrey, wala na daw balak tumakbo bilang Pangulo ng Amerika

Amerika – Wala na daw balak si Oprah Winfrey na tumakbo bilang Pangulo ng Amerika.

Ayon kay Oprah, hindi na daw siya interesado dito at kuntento na siya sa buhay niya ngayon.

Sinabi din niya na ang pagtakbo sa pagkapangulo ay hindi kailanman niya pinag-interesan dahil sakit lamang daw ito sa ulo.


Matatandaan na matapos ang kaniyang speech noong Golden Globes Awards tungkol sa mga kababaihan na lumaban sa discrimination at maging patas ang kanilang karapatan ay maraming humanga dito at nagsulong na pwede itong tumakbo sa pagkapangulo.

Ilan din sa mga fans ni Oprah at mga Hollywood celebrities ay nagsasabing kapag tumakbo siya sa pagkapangulo ay kaya niyang talunin si US President Donald Trump.

Facebook Comments